Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Abril 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:21 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 46 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 13 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - Nabunturan, DAVAO DE ORO

Ayon din sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.