Nagpaabot ng pagbati si dating Senador Bam Aquino kay dating Vice President Leni Robredo na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Martes, Abril 23.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Aquino ng isang larawan niya kasama si Robredo kalakip ang mensahe niya para sa ika-59 kaarawan nito.

“Happy birthday, Ma’am Leni Robredo! Habangbuhay na pasasalamat sa inspirasyon mo sa amin at sa malalim na pagmamahal mo sa bayan! 🇵🇭,” mensahe ni Aquino sa kaniyang post.

“I will always pray for you and your family, at dasal ko na patuloy kang gabayan at panatilihing ligtas ni Lord 🙏🏻  Enjoy your day, Ma’am! 🌸,” saad pa niya.

National

Literal na Banyo Queen: 'Golden Kubeta Awards,' muling magbabalik

Si Robredo ang ika-14 bise presidente ng Pilipinas, kung saan nagsilbi siya sa posisyon mula 2016 hanggang 2022.

Matapos niyang hindi matagumpay sa kaniyang presidential bid noong 2022 national elections, itinayo niya ang isang Filipino non-profit organization na “Angat Buhay” at kasalukuyang nagsisilbing chairperson nito.