Bukod sa pelikula, may bago ring kanta na aabangan mula sa nag-iisang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda na malapit nang ilabas. 

Sa latest episode ng “On Cue” noong Sabado, Abril 20, ibinahagi ni Vice Ganda kung paano niya nabuo ang konsepto ng naturang kanta.

“Dahil sa kabagutan. Kasi no’ng Holy [...] doon sa living room namin, sa sala namin, ‘yong couch, ‘yong do’ng pwesto sa dulo, ‘pag naupo ako do’n nilalamon na ako no’n. ‘Di mo na ako mapapaalis do’n hanggang gabi, hanggang madaling-araw,” kuwento ni Vice Ganda.

“Kahit si Ion [Perez] tanggap na niya ‘yon. ‘Pag naupo ako do’n, d’on na ako. Marami na akong maiisip, marami na akong mata-type, marami na akong maisusulat, marami na akong makakausap na magdesisyon d’on,” aniya.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Dagdag pa ng Unkabogable Star: “So, Holy Week nababagot ako. Ta’s nagti-Tiktok-TikTok lang ako. E, ang dami kong nakikitang content. Ta’s tawang-tawa ako sa inis ng maraming tao. It was so fulfilling ‘yong makita ‘yong buwisit ng ibang tao na nabubwisit sa akin. Na-fulfill ako. So, gawan ko nga ‘to ng kanta.”

Matatandaang kamakailan lang ay opisyal nang inanunsiyo ang bagong pelikula ni Vice Ganda kung saan makakatrabaho niya ang award-winning director na si Jun Lana.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, nahihirapang makuha ang buong suporta ng LGBTQIA+ community

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Jun Robles Lana gagawa ng pelikula