Na-satisfy na ang cravings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa fast food chain na Jollibee matapos daw silang ma-inspire kay New Zealand Prime Minister Christopher Luxon na kumain nito.

Matatandaang sa pagbisita ni Luxon sa Pilipinas noong nakaraang linggo, naging first stop niya ang pag-order ng fried chicken na “chickenjoy” sa Jollibee. Kaya naman tinawag siya ni Marcos na “honorary Filipino.”

Samantala, sa isang Facebook post nitong Linggo, Abril 21, sinabi ni Marcos na ang naturang pag-order ni Luxon ay nagpaalala sa kaniyang matagal na silang hindi nakakakain sa Jollibee.

“The recent stop of PM Luxon of New Zealand to Jollibee reminded me how long its been since we’ve eaten there so . . . the FL Liza and I are having a delicious Jollibee dinner tonight,” ani Marcos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kwela ring binanggit ng pangulo na hindi umano matutuwa ang kaniyang nutritionist sa pag-order nila ng mga pagkain sa naturang fast food chain.

“My nutritionist is unhappy with me so I told her to direct her concerns to PM Luxon,” saad ni Marcos.

“Thank you PM Luxon for the inspiration!! ” dagdag pa niya.