Nagpapatayo ng bagong resort ang negosyanteng si Rosmar Tan para sa kaniyang ₱100 overload pares.

Ibinida ni Rosmar ang pagpapatayo ng bagong resort sa Tagaytay para raw sa kaniyang “Rosmar pares overload.”

Usapang Negosyo

₱100 overload pares ni Rosmar, may kasamang unli swimming!

“[H]eto abangan [n’yo] mas malaking lugar para sa ROSMAR PARES OVERLOAD,” saad niya sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Abril 22.

“Sa R Mansion Tagaytay Resort tapos libre swimming din basta kakain? huwaaaw,” dagdag pa niya.

Sa ₱100 pares overload, mayroon na raw itong sahog na lechon kawali at chicharon bulaklak. Bukod dito, may kasama rin itong unlimited java or white rice, unlimited sabaw, at isang softdrinks.

Pero hindi pa natatapos sa unlimited rice at sabaw dahil ayon pa kay Rosmar, pasok din sa ₱100 ang unlimited swimming at tambay sa kubo, unlimited laro sa playground, unlimited na paglalaro ng basketball, at unlimited beerpong.

Matatagpuan ang unang pwesto ng paresan ni Rosmar sa “R Mansion Resort & Restobar" sa Laguna.