Naging kakaiba ang grand entrance ng isang bride matapos niyang sumakay ng bangka para sa grand entrance sa kaniyang kasal na ginanap sa isang isla sa Panglao, Bohol, na aniya ay isang dream wedding para sa kaniya.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Lai Balderrama - Endozo, sinabi niyang sobrang surreal sa pakiramdam ang naranasan niya habang nakasuot ng wedding gown at nakatayo sa bangka, at siyempre, umuusad ito patungkol sa venue ng kasal.

Bukod kay Lai, maging ang mga bisita nila ay sumakay rin ng bangka upang masaksihan ang matapos na palitan ng wedding vows nila ng noo'y groom, ngayon ay asawang si Geff.

Iba-iba raw ang naging reaksiyon ng mga bisita nila sa kasal, lalo na ang pagsakay sa bangka papunta sa venue. May ilang mga nasabik, at may ilan namang nagulat. Hindi raw nila inasahan ito.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Siya rin daw ang gumawa ng disenyo ng sariling wedding gown, suit ng mister niya, at buong entourage. Bata pa lamang daw, pangarap na ni Lai na siya ang gagawa ng disenyo ng kaniyang trahe de boda kapag ikinasal na siya.

Bago pa ang beach wedding ay ikinasal na muna ang dalawa sa isang simbahan.

Masayang-masaya naman si Lai na naging "worth it" naman ang lahat.