Usap-usapan ang naging hirit ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee nang mag-guest co-host siya kamakailan sa "It's Showtime."

Sa segment na "EXpecially For You," tumatak sa mga netizen ang sinabi niya tungkol sa hindi niya pagpayag na maging option lang.

"Kung ako nasa posisyon niya dito ako tatayo," ani MMD at nagpunta sa katabing puwesto ng searchee number 3.

"Sasabihin ko, 'Ay pag nakita kong may fini-flirt ka, thank you, next... hindi dapat ako option," ani Michelle habang naglalakad pabalik sa center.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Segunda naman ni Vice Ganda, "Oo thank you, next... gano'n!"

[embed]

Sey ng mga netizen sa comment section, parang pinasaringan at nasapul daw si Atty. Oliver!

"sapul si Oliver..."

"SAPUL OLIVER"

"Ganyan ang empowered woman."

"You nailed it MMD!"

"Uy parang may pinaringgan hahaha."

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalitang inunfollow ni MMD ang Instagram account ni Atty. Oliver Moeller, ang Cebu-based lawyer na napili niyang searchee sa nabanggit na segment ng Showtime, nang mag-guest siya sa noong Abril 6.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inunfollow raw si Atty. Oliver Moeller at binura ang pic kasama siya

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inurirat kung kumusta date nila ni Atty. Oliver Moeller

Bukod kasi sa kaniya, shini-ship ng mga netizen ang abogado kay Kim Chiu. Tsika ring isa sa mga dahilan kung bakit sumali sa segment ang abogado ay sa pag-aakalang si Kimmy ang mauupong searcher, pero nag-back out ito kaya pinalitan ni MMD.

Natatanong din ang abogado kung totoo ba ang tsikang bago pa ang pagsali sa segment ay talagang crush na nito si Kim, at balak nitong ligawan ang ngayo'y single na at ex-girlfriend ni Kapuso actor Xian Lim.

Ilang araw matapos pumutok ang isyu, napabalitang naka-follow na ulit si MMD sa Instagram account ni Atty. Oliver.