Mukhang sikat na sikat nga ngayon ang “overload” dahil maging negosyanteng si Rosmar Tan ay nagbebenta na rin nito.
Sa Facebook account ni Rosmar, makikita sa mga post niya ang pag-endorso niya ng “Rosmar pares overload” na halagang ₱100 lang.
Sa ₱100 pares overload, mayroon na raw itong sahog na lechon kawali at chicharon bulaklak. Bukod dito, may kasama rin itong unlimited java or white rice, unlimited sabaw, at isang softdrinks.
Pero hindi pa natatapos sa unlimited rice at sabaw dahil ayon pa kay Rosmar, pasok din sa ₱100 ang unlimited swimming at tambay sa kubo, unlimited laro sa playground, unlimited na paglalaro ng basketball, at unlimited beerpong.
“Wala kang pang outing o resort? dito ka na! basta kakain ka UNLI SWIMMING NA! May table and chair din na may electricfan /aircon or kubo with pine trees depende sa trip mong pwestuhan. May videoke rooms din na air-conditioned” sey ni Rosmar.
Matatagpuan ang paresan ni Rosmar sa kaniyang resort sa Laguna na “R Mansion Resort & Restobar.”
Bukas daw sila mula Lunes hanggang Linggo simula 10 AM.