Napa-sana all na lang ang mga netizen sa ibinahaging Facebook post ng isang Pilipina matapos niyang ibida ang pagsorpresa sa kaniya ng Australian boyfriend sa kaniyang graduation kamakailan.

Ayon sa viral TikTok video ni Lalang Julwen Ignacio, nagsadya pa sa Pilipinas ang kaniyang Australian boyfriend upang saksihan ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, at bukod sa presensya nito, binigyan pa siya ng money bouquet!

"This man truly deserves recognition!" ani Lalang sa caption ng kaniyang TikTok video, tampok ang kaniyang jowang si James.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Narito naman ang ilan sa reaksiyon at komento ng netizens:

"I'm not impressed with the money he gave, I'm impressed that he can stand the heat, not all foreigners will do that... you're lucky and blessed."

"When a man kisses you on the forehead it means he truly loves and respects you... congrats!"

"Lord when."

"Nakaka-impress naman siya!"

"Hala, relationship goals talaga. Kelan kaya ako magkakaganito?

Sa panayam ng Balita kay Lalang, sinabi niyang pitong taon na silang magkarelasyon ni James, at talagang hinintay muna siya nitong maka-graduate bago kitain sa Pilipinas.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!