Inaapura na ng pamahalaan ang pagpapauwi sa bangkay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa pagbaha sa United Arab Emirates (UAE) kamakailan.

Ito ang pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado at sinabing nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office nito sa Dubai at Abu Dhabi para maayos ang repatriation ng tatlong OFWs.

Binanggit ng DMW, nakikipagpulong na rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga kaanak ng tatlong OFW hinggil sa usapin.

National

Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’

Kabilang sa nasawi ang dalawang babae at isang lalaki.

Dalawa pang Pinoy worker ang nagpapagaling sa ospital mamapilay nang mahulog sa sinkhole ang kanilang sasakyan.

Nauna nang sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na aabot sa 648,929 Pinoy ang nagtatrabaho sa Dubai. Gayunman, wala sa mga ito ang humiling na magpauwi sa Pilipinas sa kabila ng malawakang pagbaha na dulot ng matinding pag-ulan nitong Abril 16.

PNA