Iginiit ni dating vice presidential spokesperson Atty. Barry Gutierrez na hindi umano malayong alisin na sa Gabinete si Vice President Sara Duterte matapos ang naging patutsada kamakailan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Matatandaang isiniwalat ni FL Liza sa isang exclusive interview ni Anthony Taberna na umere nitong Biyernes, Abril 19, na “bad shot” na sa kaniya si VP Sara dahil nasaktan daw siya nito.

“Bad shot na ‘yan sa akin, unless she says sorry or whatever, or maybe she will. She crossed the line,” ani FL Liza sa naturang panayam nang tanungin siya hinggil sa relasyon nila ni VP Sara.

National

VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

Kaugnay nito, sa isang X post ay sinabi ni Gutierrez na bilib umano siya kay VP Sara dahil hindi pa rin umano ito umaalis sa Gabinete.

“Labasan na ng pangil .”

“Actually bilib ka din sa fez ni Sara na sa kabila ng lahat na ito di pa rin talaga bumibitaw sa Gabinete,” ani Gutierrez.

“Pero kung ganito na ang tono, baka di na malayo na siya ang alisin,” saad pa niya.

Si VP Sara ang kasalukuyang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Samantala, matatandaan namang si Gutierrez ang naging spokesperson ni dating Vice President Leni Robredo.