Isiniwalat ni First Lady Liza Araneta-Marcos na “bad shot” na sa kaniya si Vice President Sara Duterte dahil nasaktan daw siya nito.

Sa isang exclusive interview ni Anthony Taberna na umere nitong Biyernes, Abril 19, tinanong si FL Liza kung kumusta ang relasyon nila ni VP Sara.

“I was always kind to her. I am really nice naman eh,” paunang sagot ni Liza.

Samantala, binanggit ng Unang Ginang ang nangyari noong nagkaroon ng “prayer rally” ang pamilya Duterte sa Davao City noong Enero 2024 kung saan dumalo rin si VP Sara.

PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Matatandaang sa talumpati ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang rally, tinawag niyang “bangag” at “drug addict” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaugnay nito, sinabi ni FL Liza na nang sandaling iyon ay nakita umano niya si VP Sara na tumatawa nang sabihin iyon ng kaniyang ama.

“Tumawa sila. So parang for me, ano ‘yan? Mali yata ‘yan, 'di ba? You're getting sweldo from the government. You're supposed to be the alter ego, we’re there protecting you. Tapos gagawin mo 'yan?" giit ni FL Liza.

"Mali 'yan eh. You crossed the line. I’m many things but I am not a hypocrite," dagdag niya.

Kaugnay nito, inamin ng First Lady na pagkatapos ng naturang rally ay hindi niya pinansin ang bise presidente tuwing magkakasama sila sa isang event tulad na lamang daw noong ganapin ang departure speech ni PBBM para sa kaniyang State Visit sa Vietnam kinabukasan.

"Somebody went to me: 'Uy ang ganda mo today.' 'Hindi mukha akong bangag,' sabi ko. No reactions [siya]. I said: ‘bangag is the word of the day.’ Talagang no reaction [siya]. So ayun, after that, I snubbed her. I’d do it again," aniya. “That’s not right. You don’t do that. That’s entitled politics. You’re in the government, you’re the vice president.”

Samantala, nang tanungin si FL Liza kung wala na bang “reconciliation” para sa kanila ni VP Sara, sinabi niyang maaari raw silang magkaayos kapag humingi ito ng tawad sa kanila.

"Bad shot na 'yan sa akin, unless she says sorry or whatever, or maybe she will. She crossed the line. And then going down sa Prague (noong Marso 2024) nakita ko siya ulit. Sabi ni Bong, 'behave.' Sabi ko, 'Wrong person, honey.’,” ani FL Liza.

"For me nasaktan ako because my husband will do everything to protect you. You ran together 'di ba? 'Sama-sama tayo babangon muli'. Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung presidente mong bangag, 'di ba? You're going to laugh? Tama ba 'yan? Even [former vice president] Leni (Robredo) never did that," saad pa niya.

Matatandaang isiniwalat naman kamakailan ni PBBM na “it’s complicated” ang estado ng relasyon nila ng pamilya Duterte.

https://balita.net.ph/2024/04/16/marcos-sa-relasyon-sa-pamilya-duterte-its-complicated/