Tila hindi magpapatinag si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kaniyang mga kritiko.

Sa kaniyang panayam kay Anthony Taberna na umera nitong Biyernes, Abril 19, hiningan ang First Lady ng mensahe para kay Atty. Glenn Chong, sa Pamilya Duterte, at sa iba pang mga kritiko nito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Bring it on, honey. You are the size of your enemy. I will never stoop down that level. Everytime they say that, they become uglier and uglier. Just look at their face ‘di ba? Tayo, cute pa rin tayo. What a life. Bring it on. There is such thing as karma,” saad ni Araneta-Marcos.

Sa naturang interview, maraming topic ang nabuksan. Kagaya na lamang ng reaksyon niya tungkol sa patutsada ni Atty. Glenn Chong sa kanila ng kaniyang asawang si Pangulong Bongbong Marcos.

Matatandaang walang patumpik-tumpik na sinabi ni Chong na minanipula umano ni PBBM at First Lady ang eleksyon noong 2022.

BASAHIN: First Lady Liza nag-react sa patutsada ni Glenn Chong na nandaya sila no’ng eleksyon

Sumunod dito, isiniwalat din ng First Lady na lumapit daw sa kaniya ang bloggers na sina Sass Sasot at RJ Nieto dahil may kinahaharap umano silang kasong cyberlibel.

BASAHIN: Sass Sasot, RJ Nieto lumapit daw kay FL Liza Marcos dahil sa kasong cyberlibel

Pinalagan naman ni Sasot ang pahayag ni Araneta-Marcos. Aniya, kaya sila nakipagkita sa First Lady dahil kailangan nito ang tulong nila at hindi dahil sa kasong kinakaharap nila.

BASAHIN: Sass Sasot pumalag kay FL Liza: ‘You needed our help… tae ang tingin sa inyo noon’

Samantala, nang maitanong kay Araneta-Marcos ang tungkol sa relasyon nila ni Vice President Sara Duterte, isiniwalat niyang “bad shot” sa kaniya ito.

BASAHIN: VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

At huli, ipinagmalaki ng First Lady na mababait ang kanilang tatlong mga anak ni PBBM  dahil wala raw siyang nababalitaang may binugbog o kaya naman ay may “tattoo” ang mga ito.

BASAHIN: FL Liza, mababait daw mga anak: ‘Wala pa’kong narinig na may binugbog sila o may tattoo sila’