Sinabi ni First Lady Liza Araneta-Marcos na mababait ang kanilang tatlong mga anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil wala raw siyang nababalitaang may binugbog o kaya naman ay may “tattoo” ang mga ito.

Sa isang exclusive interview ni Anthony Taberna na umere nitong Biyernes, Abril 19, tinanong si FL Liza kung kumusta siya bilang isang ina.

“My kids, mabait naman. Wala pa akong naririnig na may binugbog sila, or may tattoo sila,” sagot ng Unang Ginang.

“Lahat sila nagtatrabaho. They are very respectful,” dagdag pa niya.

National

First Lady Liza nag-react sa patutsada ni Glenn Chong na nandaya sila no’ng eleksyon

Pagbabahagi pa ni FL Liza, ang kaniyang panganay na anak na si Rep. Sandro Marcos lamang daw ang anak nilang may hilig sa politika.

“Si Simon is a businessman, Si [Vincent], wala rin, wala silang hilig [sa politika]. They’re like me, wala silang hilig… My God, imagine, if we have three politicians in the house, mamamatay ako,” saad ni Liza.

Samantala, sa naturang panayam ay sinagot din ni FL Liza ang ilang mga usapin katulad ng naging patutsada ni Glenn Chong na dinaya umano nila ang election system noong 2022.