Patuloy pa ring nakaaapekto ang ridge ng high pressure area (HPA) at easterlies sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Abril 18.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio na umiiral ang ridge o extension ng HPA, isang “anti-cyclone system,” sa silangang bahagi ng Luzon.

Samantala, nakaaapekto raw ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa malaking bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, inihayag ni Aurelio na asahan pa rin ang maalinsangang panahon ngayong Huwebes, bagama’t may tsansa pa rin umano ng mga sandaling pag-ulan lalo na sa mga bahagi ng Visayas at Mindanao.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).