Dahil sa init ng panahon, apektado rin ang produksyon ng mga itlog sa bansa, ayon sa Philippine Egg Board Association nitong Huwebes.

Ayon sa presidente ng Egg Board Association na si Francis Uyehura, nakararanas ng problema ang farm producers ngayong tag-init dahil humihina kumain ang mga manok na nagreresulta sa pagbaba ng produksyon ng mga itlog at pagliit nito.

National

Heat index sa 12 lugar sa bansa, umabot sa ‘danger’ level

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init. Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes. Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” aniya sa kaniyang panayam sa TeleRadyo Serbisyo na iniulat din ng ABS-CBN.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg. The problem is the eggs are getting smaller. If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” dagdag pa ni Uyehura.

Nabanggit din niya na umaabot sa P4.50 hanggang P5.40 ang kada piraso ng medium-sized na itlog.

Kaugnay nito, umabot sa “danger” level ang heat index sa 12 lugar sa bansa nito ring Huwebes, ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).