Sikat sa bansang Spain ang digital content creator at model na si "Aitana Lopez," isang pink-haired woman na nagpapahumaling sa mga netizen, lalo na sa mga lalaki, at talagang naghahangad na balang-araw ay mailabas siya sa isang date.

Mababasa sa kaniyang Instagram account na "@fit_aitana" na may 306k followers na siya, at siya ay isang "gamer at heart" at "fitness lover."

Ngunit sa kabila nito, siya ay hindi totoong tao kundi gawa lamang ng AI o artificial intelligence. Deskripsyon pa nga sa kaniya, siya ay "Barcelona's Digital Muse."

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Ang may likha sa kaniya ay si Rubén Cruz, founder at designer ng "The Clueless" agency.

Naisipan daw nilang gumawa ng sariling AI influencer/model dahil laging nagkakaroon ng mga aberya sa mga "tunay na taong" influencers at models na kinukuha nila.

Kaya naman, naisipan nilang isilang si Aitana, isang 25-anyos na pink-haired woman na may magandang pangangatawan.

Si Aitana, ay kayang kumita ng €10,000 kada buwan o mahigit ₱608k sa Philippine peso.

Ayon kay Cruz, mas mainam na raw si Aitana kaysa sa influencers o models na "mahirap kausap."

"We did it so that we could make a better living and not be dependent on other people who have egos, who have manias, or who just want to make a lot of money by posing," pahayag ni Cruz sa isang panayam.

Kaya naman, isyu ngayon na baka dumating ang isang araw na "mawalan" ng trabaho ang mga tunay na influencers, celebrities, o models na puwedeng mag-endorso dahil gagawa na lamang ng AI.

Dito sa Pilipinas, matatandaang nagkaroon ng iba't ibang diskusyon at argumento nang ipakilala ng GMA Sports ang kauna-unahang AI-generated sportscasters.

May mga sumang-ayon at humanga rito subalit marami rin ang tumutol dahil iba pa rin daw kapag totoong taong may emosyon at eksaktong ekspresyon ng mukha ang naghahatid ng balita.

MAKI-BALITA: Pinakaunang AI-generated sportscasters ng ‘Pinas, ipinakilala ng GMA Network

MAKI-BALITA: ‘Bakit ‘di na lang totoong tao?’ AI sportscasters ng GMA, umani ng reaksiyon

MAKI-BALITA: UP Broadcasting Association, ‘naalarma’ sa AI-generated sportscasters ng GMA

MAKI-BALITA: GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters