Sa talumpati ni dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, sa naganap na "Defend the Flag Peace Rally,” itinanong niya sa mga tao kung sino ang susunod na magiging presidente ng bansa. Ang sigaw: Inday Sara Duterte!

Isa si Roque sa mga nagtalumpati sa naturang rally nitong Linggo ng gabi, Abril 14 sa Tagum City, Davao del Norte.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa venue, nagsigawan ang mga tao ng “Duterte.” Dahil dito, sunod-sunod na tanong ang binitawan ng dating presidential spokesman.

Roque: “Davao del Norte, sino ang pinakamagaling na presidente ng Plipinas?”

Sigaw ng mga tao: “Duterte! Duterte! Duterte!”

Roque: “Davao del Norte, sino ang nagtaguyod ng kapayapaan dito sa Plipinas?”

Sigaw ng mga tao: “Duterte! Duterte! Duterte!”

Roque: “Mga Davao del Norte, sino ang lumaban sa droga rito sa Pilipinas?”

Sigaw ng mga tao: “Duterte! Duterte! Duterte!”

Roque: “At Davao del Norte, para malaman ni tambaloslos, sino ang susunod na presidente ng Pilipinas?”

Sigaw ng mga tao: “Inday Sara Duterte!”

Samantala habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Vice President Sara Duterte tungkol sa isinisigaw ng mga tao.