Nagbigay ng reaksiyon ang GMA Sparkle artist na si Mavy Legaspi kaugnay sa pagshi-ship ng mga netizen kina “It’s Showtime” host Darren Espanto at Kapuso actress Kyline Alcantara.

Sa ulat ng GMA News noong Sabado, Abril 13, sinabi ni Mavy na wala raw siyang problema kay Darren dahil malapit silang magkaibigan.

"I have no problem kasi Darren and I are very close friends. Again, what you see on TV is what you get,” saad ni Mavy.

“Pero behind closed doors, nagme-message message kami ni Darren so we're very good," dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Na-link kasi dati sa isa’t isa sina Mavy at Kyline. In fact, umugong pa nga ang balitang nagkahiwalay na umano sila. 

MAKI-BALITA: From reel to real na nga ba? Kyline Alcantara, may rebelasyon sa relasyon nila ni Mavy Legaspi

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

At nang bumisita si Kyline kamakailan sa “Showtime” ay inireto naman ng mga netizen sina Kyline at Darren, na nali-link naman sa kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi.

MAKI-BALITA: Sey ng kambal ni Carmina? Darren at Kyline, nirereto sa isa’t isa

Pero sa magkahiwalay na panayam ay kinumpirma nina Darren at Legaspi na “best friends” lang umano ang turingan nila sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Cassy Legaspi, nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Darren Espanto

MAKI-BALITA: Darren, tinuldukan na ang isyu tungkol sa relasyon nila ni Cassy