Nagbigay ng mensahe ang dating Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon para sa mga bagong abogado.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Abril 14, sinabi ni Guanzon na marami raw tuksong darating para sa kanila.

“Pero hangga't nasa katwiran at katotohanan lang tayo ay hindi niyo mababale ang prinsipyo na meron tayo,” saad ni Guanzon.

“Maaring hindi mapapakain ang prinsipyo ang pamilya o makakabayad ng bills pero makakatulog tayo ng mahimbing sa gabi at taas noo na makakatingin kahit kanino dahil marangal tayong nabubuhay araw araw, dugtong pa niya.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nakakuha naman ng positibong reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Very well said mama bing”

“Thank you for the inspiration, mommy Bing.”

“Peace of mind for those who follow God's Command.”

“I will take that as my guiding light madam. Thank you.”

“agree!”

“Tama wag padala sa pera”

“GOD Bless the New Lawyers,⚖️guide them O'Lord🙏”

Matatandaang katatapos lang noong Abril 5 ang aplikasyon para sa mga kukuha ng 2024 Bar Examinations sa darating na Setyembre 8, 11, at 15.