Usap-usapan sa social media at pinagmumulan ng iba't ibang diskusyunan at argumento ang isang screenshot kung saan makikita ang isang post ng isang babae tungkol sa kaniyang boyfriend na breadwinner ng kaniyang pamilya.

Ayon sa nabanggit na post mula sa isang "anonymous uploader," ang boyfriend daw niya ay breadwinner o pangunahing bumubuhay sa kaniyang pamilya, na ultimo buong suweldo raw nito ay napupunta sa mga magulang, dahilan para hindi makapag-ipon. Pakiramdam daw niya, hindi pa handa ang boyfriend niya para mag-settle down at pakasalan siya.

Kaya nang untagin niya ito tungkol sa kasal, sinabi ng boyfriend na may plano raw itong pakasalan siya subalit hindi sa simbahan bagkus ay civil wedding lang daw ang kaya.

Sinabi ng uploader na hindi problema ang gagastusin dahil nakapag-ipon siya, at tantiya niya ay aabot sa ₱500k ang inaasam-asam niyang magarbong dream wedding.

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan

"Eh ayaw naman niya, wag raw ako gumastos ng malaki and hahatian naman raw niya ako, wag lang ganun kalaki. Eh ganyan naman na talaga ung normal range ng gastos sa kasal eh?" ayon sa uploader.

Aminado ang uploader na nadismaya siya sa sinabi ng kaniyang boyfriend dahil pangarap daw niyang magkaroon ng magandang kasal. Kaya naman, nagdadalawang-isip ang uploader na ituloy ang kasal sa kaniyang boyfriend, dahil kung tutuusin daw, may sarili siyang pera at ari-arian subalit nangingibabaw sa kaniya ang nararamdaman para sa kasintahan.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon, komento, at payo ng ilang kapwa netizens:

"As a single woman with that dream of yours, keep it. Make it happen. It could mean that you can convince him still, or if not, you could eventually find someone else to do that dream with."

"Bigyan mo ng ultimatum.. Bigyan mo ng ilang taon para Tapusin ang obligasyon sa family nya.. (Kung kaya mo pa maghintay at Kung mahal ka talaga) balikan mo ako pag ready kana at kung single pa ako ibig sabihin hinintay pa kita kamo."

"You're not his priority and I doubt that you'll ever be hangga't nandiyan ang family niya. That is difficult & may not be negotiable even after marriage. Since he already set his priority, it's your turn to set yours. My advice is, don't settle for less. You deserve the best in life. Actually, you both deserve the best but maybe not together."

"Both I and my husband are breadwinners but my husband has more responsibilities than I do. He has to provide for his family more than I do.. I have to keep up with him and remind him that there should be limitations. If you can live your life without him, better let him go. Because to be honest, it is never easy. It will never be easy esp if financially matters and pag aawayan nyo."

Ibinahagi ang screenshot sa Facebook page na "Preach It" na may 2k reactions, 732 shares, at 490 comments.

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.