Hindi napanalunan ang ₱6.6 milyong premyo ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi, Abril 13.

Wala kasing nakahula sa winning numbers nito na 26-42-40-33-13-39 na may kaakibat na ₱6,656,665.00 jackpot prize.

Gayunman, may isang nanalo sa ₱222.9 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

National

₱222.9M lotto jackpot prize, solong napanalunan!

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.