Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagdaraos ng isang 'Mega Job Fair' sa lungsod ngayong Biyernes, Abril 12, 2024.

Inanyayahan pa ni Lacuna ang mga Manilenyo na lumahok sa naturang job fair na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni Fernan Bermejo.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Ayon kay Lacuna, libu-libong job vacancies ang iaalok ng iba't ibang kumpanya sa naturang job fair na idaraos sa ground floor ng QQ Mall na matatagpuan sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila mula 10:00AM hanggang 4:00PM.

Pinayuhan naman ng alkalde ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng kanilang resumè at sariling ballpen.

Samantala, sinabi naman ni Bermejo na ang nasabing job fair ay inisyatiba ni Lacuna, katuwang ang QQ Mall, Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR) at Manila Field Office ng DOLE-NCR.