Nagsimula na ang opisyal na salpukan ng dalawang noontimeshow na “It’s Showtime” at “Eat Bulaga” nitong Sabado, Abril 6. 

At kung pagbabasehan ang inilabas na art card ng GMA Network nitong Lunes, Abril 8,  makikita ang malaking kalamangan ng show nina Unkabogable star Vice Ganda sa show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon na kilala rin sa bansag na TVJ.

Base kasi sa overnight data ng Nielsen Philippines NUTAM People Ratings, pumalo sa 9.6 ang ratings ng “It’s Showtime” samantalang 4.4 lang ang nakuha ng “Eat Bulaga.”

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ng GMA Network sa kanilang Facebook page para sa suportang ibinigay ng Madlang Kapuso sa “It’s Showtime” sa unang pag-ere nito sa naturang network.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa #ItsShowtime, Madlang Kapuso,” saad nila sa caption ng Facebook post.

Samantala, kasunod nito ay nag-trending naman sa X ang nagpaalam na “Tahanang Pinakamasaya” dahil sa pagtatalo-talo ng mga netizen tungkol sa TV ratings.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamasaya’ nag-trending at nagparamdam ulit, bakit kaya?