Kusang-loob na sumailalim sa drug test ang dating executive secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, inilabas niya ang negative result ng kaniyang drug test.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“LEAD BY EXAMPLE. Bagamat ako ay nasa pribadong sektor, kusang loob ang aking pagpapasailalim sa drug test at base sa resulta ako ay NEGATIVE,” ani Rodriguez.

“Ito ay susog sa aking paalala sa mga nasa pamahalaan sa gitna ng napakaingay at hindi mamatay-matay na isyu ng paggamit ng DROGA,” dagdag pa niya.

Sa huli tila may panawagan ang dating executive secretary.

“Simpleng hiling, simpleng solusyon: A CREDIBLE DRUG TEST FOR ALL”

screenshot Atty. Vic Rodriguez/FB

Matatandaang noong nakaraang taon, nakipagtulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pribadong sektor upang i-promote ang drug-free workplace sa lahat ng business establishments.