Hindi man isang celebrity ay agad na nag-trending sa X at iba pang social media platforms si Atty. Oliver Moeller, ang sporty Cebu-based lawyer na napiling searchee ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime" noong Sabado, Abril 6.

Isa sa mga naging highlights ng noontime show sa unang araw ng pag-ere nito sa noontime slot ng GMA Network ay ang nabanggit na segment, kung saan sinamahan pa si MMD ng kaniyang inang si beauty queen-actress Melanie Marquez, Miss International 1979.

Si Atty. Oliver ang napili ni Michelle mula sa dalawa pang searchees na sina Kevin Ty na isang social media personality at commercial talent, at si Martin Javier na sportscaster sa GMA Network.

Kilig na kilig ang mga netizen para kina Michelle at Atty. Oliver dahil bagay na bagay raw sila pagdating sa looks, height, intelligence, at tagumpay sa career.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod dito, maraming nakapansing hawig ang datingan niya ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, lalo na kapag nakangiti.

Bukod nga kay MMD, inirereto pa nga siya sa isa sa mga host ng Showtime na si Kim Chiu dahil pareho silang single at Bisaya.

Kaya naman nag-trend sa X ang "Oliver" dahil sa kaniya at hinanap ng mga netizen ang social media accounts nito. Umakyat tuloy ang kaniyang followers at patuloy pa ring dumadami.

Ngunit sino nga ba si Atty. Oliver Moeller? Narito ang ilan sa mga impormasyong nakalap ng ABS-CBN News:

Unang-una, si Oliver ay isang half-Filipino, half-German. Pilipina ang kaniyang ina at German naman ang kaniyang ama.

Sunod, si Oliver ay isang abogado at naipasa niya ang Bar exams noong 2016. Nagtatrabaho siya sa sariling law firm nila.

Talagang intelligent si Atty. Oliver dahil natapos niya ang master's degree sa University of Queensland sa Australia noong 2019, at masasabing well-off talaga ang pamilya niya.

Bukod sa malusog na kaisipan at pinangangalagaan din niya ang katawan dahil sa kaniyang pagji-gym, at paglalaro ng iba't ibang sports gaya ng basketball, swimming, at track and field.

Kaya naman, hindi na kagulat-gulat kung ilang araw lang, pasukin na rin ni Atty. Oliver ang showbiz dahil dumadami na ang nagkakainteres sa kaniya.