"BUMUKOD... MASASABI MO NA AKO ANG REYNA AT AKO ANG HARI."

Pinusuan at tila naka-relate ang mga netizen sa Facebook post ng isang mommy-blogger na si "Charlote B. Palang" matapos niyang ibahagi ang realisasyong nabuo sa kaniya sa panonood ng South Korean drama na "Queen of Tears" nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won.

Sa mga mag-asawa at balak nang mag-asawa, iba raw talaga ang dala-dalang peace of mind kapag nakabukod na o may sariling bahay na tinutuluyan kapag bumubuo na ng pamilya.

"BUMUKOD HANGGA’T KAYA. 😊," pagsisimula ng post ni Mommy Charlote sa kaniyang blog page na "Blessed Mom. Blessed Wife. Blessed Life."

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

"Taas ang kamay ang mga nanonood neto? 😊"

"Actually first episode palang kami pero sa first episode ang dami ng nangyari. And most of us makaka relate sa sitwasyon ng lalaki."

"Mahirap talaga ang hindi nakabukod pagdating sa buhay mag-asawa, imagine sa story nila sa 1st episode eh, buong angkan ata nakatira sa iisang bahay na malaki. Simula sa lolo, auntie, kaptid at in laws nasa iisang bubong lang nakatira, SINO BA NAMAN ANG HINDI MA- IISTRESS DIBA?"

"Ang hirap ng maraming reyna at hari, kasi hindi ikaw ang mag dedecide kundi sila."

Karamihan daw sa mga Pilipino, ganito ang kalagayan o tinatawag na "extended family." Naka-relate daw si Mommy Charlote dahil noong bata pa siya, ganoon daw ang sitwasyon nila sa bahay. Kaya raw hindi nawawala ang pakikisama sa lahat. Kailangan daw maki-share sa lahat ng bagay, at siyempre, hindi raw nawawala ang mga miminsang away.

"And mostly sa ating mga pinoy maraming ganito ang sitwasyon. Naalala ko nung bata ako, same din sa sitwasyon nila. Ilan kami magkakapatid noon, tapos nandun din nakatira yung lolo at lola, mga kapagid ng stepfather at asawa nila. Imagine sa iisang bahay ilang pamilya kami nakatira?"

"Sobrang hirap, kasi kailangan mong makisama, kailangan may share ka din sa lahat ng bagay. Tapos hindi rin mawawala ang away sa loob ng bahay."

Kaya para kay Mommy Charlote na may sarili na ring pamilya, mahalaga sa mag-asawa ang bumukod, kahit sa maliit na bahay lang, o kaya naman, kahit renta lang. Mahirap daw sa simula pero worth it naman. Ang mahalaga, iisa lang ang "hari" at "reyna" ng tahanan.

"Kaya napaka importante na kapag nag asawa, BUMUKOD, kahit na maliit na rentahan lang yan basta masasabi mo na AKO ANG REYNA AT AKO ANG HARI."

"Mahirap sa una, pero masarap namang isipin na ang iisipin mo ay sariling pamilya mo lang."

"Kaya kung kaya ma bumukod, BUMUKOD. For PEACE OF MIND. At least pwede kang humilata hanggat gusto mo. Pwede kang maghugas ng plato kung kailan masipag ka. At least, ikaw lang ang didisiplina sa mga anak mo."

"Masarap ang nakabukod," pahabol pa niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Not watching this drama but ito ang GOAL namin mag-asawa. Bumukod. Walang tanong tanong. Walang kung ano pa man."

"Dapat lng magbukod ksi nakakastress din sa magulang yong anak mo may asawa na doon pa sa magulang nakatira lalo na kung pasway at bastos walang respito magaaway tlga."

"Tunay... Sinabi pang magpapamilya tas kasama ng magulang ay sya ka kagulo ang kabahayan.. magandnag mamuhay na asawa at anak lang anv kasama sa bahay..walang pangingilagan na mga hipag at bayaw.. pag naisipan mong matulog okies lang basta napagod tulog ng bongga..... Lahat ng gustong bilhin mabibili na walang kokomento.. napapanuod ko sa mga movie laging may komento si biyenan..."

"Privacy, space & peace of mind. Magagawa mo lahat ng gusto mo."

"About sa usapang bumukod yes agree ako jan 💯 kahit maliit na kwrto basta sarili lungga ayos lang napakahirap makisama tlaga.."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mommy Charlote, sila ay pitong taon nang nakabukod at kasal ng kaniyang mister at may dalawa na rin silang anak.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 17k reactions, 12k shares, at 2k comments ang nabanggit na viral Facebook post.