Viral ang isang Facebook post kung saan mababasa ang isang mensahe para sa mga anak na mahilig sumagot nang pabalang sa kanilang mga magulang.
Ibinahagi sa Facebook page na "Philippine Most Trending" ang screenshot ng isang komento ng netizen na nagngangalang "Abs-Cbn Nationwide" kung saan mababasa ang mensahe para sa mga anak na sumagot-sagot sa kanilang mga magulang.
Tila nagustuhan naman ng mga netizen ang mababasa rito, kahit na hindi malinaw ang konteksto ng usapan o kinomentuhan nitong post.
Mababasa sa screenshot, sa mga anak na nasa poder pa ng mga magulang, huwag daw sanang sisiga-siga at umastang kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila.
Magpasalamat daw ang mga anak sa mga magulang kahit na minsan ay hindi na napapansing nababastos na sila, nariyan pa rin sila para ipakita ang kanilang pagmamahal.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Honor thy father and mother means respect. Not all parents are lovable but maintaining respect is God's command."
"Yes true... masakit din minsan kapag sinasagot ka ng mga anak... pero nandyan pa rin ang puso ng isang ina... ang anak kayang tiisin ang magulang pero ang ina hindi kayang tiisin 'yong mga anak..."
"Yes mahal na mahal ko anak ko kahit binabastos q kapag lasing sya."
"It's a big check😅kkaiba n tlaga ang ugali ng mga anak ngaun kaysa noon.mga anak ngaun..,kung umasta feeling mila they are brighter than the universe.!!🥳🤩"
Ikaw mga Ka-Balita, anong palagay mo tungkol dito?
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!