Magsisimula na ulit umere ang Pinoy Big Brother na isa sa pinakasikat na reality show sa Pilipinas.

Sa Instagram live ni Star Magic head Direk Laurenti Dyogi nitong Biyernes, Abril 5, inilahad niya ang mga detalye kaugnay sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa mga bagong housemate.

“Gusto namin ipaalam, magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya. The PBB house will open this June and sa loob ng 100 araw, mayr’on tayong bagong batch of housemates. We will be scouting and having auditions,” lahad ni Direk Lauren.

“We will have four important on-ground audition venues and dates. The audition will happen on the last week of April and then May. One in Metro Manila, Visayas, and Mindanao, and Luzon,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero bagama’t magkakaroon ng online audition, hiniling din ni Direk Lauren na makita nang personal ang mga potential housemate. 

“Kasi iba nakikita namin kayo sa kabuuan ninyo. Mas makikilala namin kayo,” saad niya.

Bukod pa rito, inanunsiyo rin ni Direk Lauren na muli raw nilang bubuhayin ang Star Hunt na pansamantalang nawala simula noong dumating ang pandemya.

Matatandaang nauna nang lumutang ang balita tungkol sa pagbabalik ng PBB sa isang episode ng vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Pinoy Big Brother, ililipat na sa GMA?