Nangako ang Social Security System (SSS) na mag-aalok ng calamity loan para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng 7.2-magnitude na pagyanig sa Taiwan kamakailan.

Ipinaliwanag ni SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Rolando Ledesma Macasaet, binigyan na niya ng go-signal ang representative office ng ahensya sa Taiwan upang i-assess ang sitwasyon ng mga OFW at matulungan ang mga ito.

Irerekomenda nito sa social security commission na payagan ang mga OFW sa Taiwan na makakuha ng financial assistance.

National

‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Aniya, bibigyan nila ng benepisyo ang pamilya ng OFWs sakaling nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.

Idinagdag pa ng SSS, layunin ng hakbang na madagdagan ang tulong ng ahensya upang matiyak na makababangon kaagad ang mga OFW na apektado ng pagyanig.

Matatandaang umabot na sa siyam katao ang nasawi at mahigit 1,000 ang nasugatan nang maramdaman ang malakas na pagyanig sa Hualien City nitong Miyerkules ng umaga.