Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang usap-usapang TikTok video kung saan mapapanood ang isang batang lalaking nagpapasalamat sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang nanay, dahil sa masasarap na pagkaing niluluto nito para sa kaniya.

Ayon sa caption ng TikTok post ni "Ms. Dhey (@dhey_1105)," "appreciating of small think is a big heartful kaayo nato.. #appreciation #babyproud."

Sa text caption, mababasang tuwang-tuwa ang nanay dahil na-appreciate ng anak ang luto niya, kahit na ito ay tofu at gulay.

Sa video, makikitang tinatanong ng bata kung mamantika ba ang kinakain nila. Ganado rin ito sa pagkain ng tofu na ulam nila. Aniya, nagpapasalamat siya sa kaniyang nanay dahil masasarap ang mga niluluto nito, at sa tuwing nagugutom siya, ay gumagawa ito ng paraan upang mapakain at mabusog siya.

Human-Interest

Anong ibig sabihin kapag 'family-oriented' ang ka-date o karelasyon?

"Thank you nanay sa pagluto," sabi ng bata.

Hirit pa ng bata, mas masarap daw magluto ang kaniyang nanay kaysa sa kaniyang tatay at mas marami raw ibinibigay sa kaniya.

Bukod dito, inihambing pa ng bata ang kaniyang nanay sa Diyos. Dito ay bahagya raw naiyak ang nanay sa appreciation ng anak sa kaniya.

[embed][/embed]

Natuwa naman ang mga netizen dahil sa murang edad ng bata ay alam na nitong masustansya ang kaniyang kinakain, at marunong na itong mag-appreciate sa ginagawa ng mga magulang para sa kaniya.

Nag-uugat daw ito sa magandang pagpapalaki ng mga magulang sa kaniya.

"This only shows that the parents are taking good care of this kid, not just the financial but most importantly the emotional aspect of child rearing..kudos to this mom & dad!!😉❤️"

"Habang pinanood ko nga ang video, namangha ako at napapaisip kung paano kaya pagpapalaki nila sa bata at paano pakikisalamuha nila daily. This is soo awesome."

"Hanga talaga ako sa pagpapalaki nila sa bata... hindi kasi ako lumaking affectionate sa parents ko kasi hindi rin sila ganoon sa amin kaya 'pag nakakita ako ng ganito eh natutuwa at naluluha ako..."

"Having a kid feel safe about expressing his or her thoughts and emotions is so important for emotional and mental development. He may grow up sharing these wonderful thoughts with the world."

"I'm crying, because growing up, I was never so open to my parents like this, nor we have this kind of conversation ++"

"such a smart kid!!!!!!! how can he speak like that at his age??????"

"Wow those words and the way he looked at his mother appreciating the food just wow🥹 God bless u little boy, Bless ur parents🥰"

"Grabe it hits me hardly! Naiyak ako..."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 685.9k views ang nabanggit na video na inupload noong Miyerkules, Abril 3.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!