Patuloy na nagsasagawa ng monitoring at assessment ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas.
https://twitter.com/phivolcs_dost/status/1775746661299732535
Sa inilabas ng impormasyon ng Phivolcs nitong Huwebes, Abril 4, nasa alert level one lamang ang apat na aktibong bulkan sa bansa.
Mayon Volcano (Albay)
Alert Level 1 mula noong Marso 5, 2024
Bulusan Volcano (Sorsogon)
Alert Level 1 mula noong Oktubre 25, 2023
Taal Volcano (Batangas)
Alert Level 1 mula noong Hulyo 11, 2022
Kanlaon Volcano (Negros Island)
Alert Level 1 mula noong Marso 11, 2020
Ayon sa ahensya, ang Alert Level 1 ay ang “quiet level” ng bulkan. Walang nararanasang volcanic earthquakes sa volcano area.