Tila hindi kumbinsido ang social medial personality na si Xian Gaza sa ginawa ng isang lalaking nagpa-tattoo sa noo ng logo ng isang takoyaki store.

Matatandaang usap-usapan sa social media “April Fools’ Day post” ng Takoyaki store na “Taragis” matapos itong sundin ng isang lalaki at ipina-tattoo ang logo sa noo nito para sa premyong ₱100,000.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Umani ng pambabatikos mula sa netizens ang Taragis dahil hindi raw sila accountable sa nangyari.

Maki-Balita: Para sa ₱100K: April Fools’ post ng takoyaki store, tinotoo ng isang lalaki

Dahil dito, pinuntahan mismo ng may-ari ng Taragis ang lalaking kumagat sa kanilang post.

Sa video ng Facebook post ng Taragis nitong Martes, Abril 2, pumunta ang owner ng Taragis na si “Carl Quion” sa bahay ng lalaking nagpa-tattoo na si “Ramil Albano” sa North Caloocan para umano tingnan ang kaniyang kalagayan.

Maki-Balita: May-ari ng takoyaki store, pinuntahan lalaking ‘kumagat’ sa kanilang April Fools’ post

Gayunman, tila hindi kumbinsido si Gaza sa pangyayari. Aniya, halatang scripted at for publicity stunt lamang ito.

“Hindi fresh yung tattoo sa noo, it means matagal na o henna lang. Hindi rin marunong umarte si Kuya. Halatang scripted. Publicity stunt lamang,” ani Gaza sa kaniyang Facebook post.

“Gigil na gigil pa man din kayo. Hahaha! Sayang yung galit niyo mga tanga,” dagdag pa niya.