Pinag-iingat ng Quezon City government ang publiko dahil sa inaasahang matinding init ng panahon ngayong araw.

Sa Facebook post ng city government, umabot sa 36°C ang naitalang heat index o init factor ngayong araw bunsod ng mataas na temperatura at mataas na relative humidity.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ang heat index ay pinagsamang air temperature at relative humidity na tumutukoy sa nararamdamang init ng ating katawan.

Babala ng pamahalaan, maaari itong magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Hinihikayat ang lahat na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.

"Para sa emergency, tumawag lamang sa Helpline 122 o sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office: 8-927-5914/8-928-4396," ayon pa sa naturang social media post.