Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon, Abril 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:36 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro, na may lalim na 20 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO

Intensity II - City of Calapan, ORIENTAL MINDORO

Intensity I - Abra de Ilog, OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.