Pormal nang inihayag ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang muling pagbubukas ng prestihiyosong patimpalak sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan, para sa mga lahok sa iba't ibang kategorya.

Makikita ang anunsyo sa kanilang official website at official Facebook page nitong Lunes, Abril 1. Tatanggap ng lahok ang Palanca hanggang sa Mayo 31, 2024.

"The 72nd Carlos Palanca Memorial Awards for Literature is now accepting entries for the year 2024. Last day of submission is on May 31, 2024," anila.

Tamang-tama ang pagbubukas ng paligsahan sa Buwan ng Panitikang Filipino ngayong Abril, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" S. Aquino III noong 2015.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Ang Palanca awards ay sinasabing katumbas ng "Pulitzer Prize" dito sa Pilipinas, na itinatag ni Carlos Palanca, Sr., isang Filipino-Chinese businessman at pilantropo.

Para sa mga kategoryang binuksan at mga panuntunan, mangyaring bisitahin ang website ng Palanca.