“Jesus has opened an infinite rift of light for each one of us.”

Ito ang mensahe ni Pope Francis sa pagdiriwang ng mga mananampalataya ng muling pagkabuhay ni Hesukristo nitong Marso 31, 2024.

Sa isang X post, nanawagan si Pope Francis sa bawat isa na itaas ang kanilang mga mata para kay Hesukristo.

“Let us raise our eyes to Jesus. Taking on our humanity, He descended into the abyss of death, filling it with the power of His divine life,” ani Pope Francis.

Ano ang ginugunita sa bawat araw ng Semana Santa?

“He has opened an infinite rift of light for each one of us. #Easter,” saad pa niya.

Ang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay ay isang pagdiriwang na tinatawag ding “Pasko ng Pagkabuhay” dahil ito ang pinakamasayang araw para sa mga mananampalatayang Kristiyano. 

Sa araw na ito ginugunita ang muling pagkabuhay at pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng tatlong araw.