Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang kuwento na ayaw daw munang makatrabaho ng aktres na si Janine Gutierrez ang umano’y ex-jowa nitong si Paulo Avelino.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Marso 29, sinabi niya ang tila dahilan ni Janine kung bakit ayaw muna nitong makasama sa isang proyekto si Paulo.

“Ako naman—kahit hindi sabihin ‘yon, ha—syempre ‘di ba ‘di ka muna makikipagtrabaho. Parang wala pang maayos na closure,” lahad ni Ogie.

“Pansinin mo, ‘yong lovelife ni Paulo noong bago dumating si Kim Chiu, hindi pinag-usapan ni Paulo ‘yon. Laging nanatiling pribado ang kaniyang lovelife,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Pero ito, tingnan mo kay Kim Chiu. Parang game na game siyang makipagharutan. Game na game siyang makipag-joke. Parang nag-iba na ‘yong landscape ni Paulo,” dugtong pa ni Ogie.

Sey tuloy ng co-host niyang si Mama Loi: “Baka naman special talaga si Kim Chiu kay Paulo.

Sa isang bahagi ng naturang vlog, nagsalita rin si Ogie kaugnay sa real-score nina Kim at Paulo dahil sa pang-uurirat sa kaniya ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Real-score nina Kim, Paulo ibinubuking daw ng kanilang body language

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry ang dalawa simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balitang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Isang buwan matapos maiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan, kasunod namang lumutang ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez nagkabalikan na?

Ngunit sa isang episode ng Showbiz Update noong Pebrero, napag-usapan sa vlog ni Ogie na hiwalay na ulit sina Paulo at Janine.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?