Inamin ni award-winning actor Baron Geisler kung saang proyekto siya pinakana-challenge nang kapanayamin siya ng TV host-actor na si Luis Manzano sa latest vlog nito noong Sabado, Marso 30.

“Movies, TV shows, sa’n ka pinakana-challenge?” usisa ni Luis.

“Sa totoo lang, working with your mom. Sa ‘Anak,’ pare,” sagot ni Baron.

Ayon kay Baron, sobra daw siyang natuwa nang makatrabaho niya ang nag-iisang Star for All Season na si Vilma Santos.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“Sobrang natutuwa ako dahil I was only 16 years old. Tapos, si Direk Rory Quintos pa ‘yong direktor namin. So, bigatin. Star Cinema, big budget,” kuwento ni Baron.

“Wala akong alam masyado sa acting. E, sobrang ako ‘yong taong starstruck ako minsan ‘pag naglilinya ang mommy mo, naa-out of character ako dahil pinapanood ko na siya,” aniya.

“Doon ko first time na feel na hindi pala gano’n kasi sobrang taas ng tingin ko sa mga artista noon, e. At hanggang ngayon naman. Pero ‘yong parang pakiramdam ko na ‘di ko sila maabot. Pero ‘yong mommy mo ‘yong nag-reach out sa akin,” dagdag pa niya. 

Kaya naman kalaunan ay nawala rin ang tensyong nararamdaman ni Baron sa kaniyang mga kapuwa artista. 

“‘Yong mga payong ibinibigay niya sa akin, ‘di ko rin makakalimutan,” saad pa niya.

Sa huli, ipinahayag ni Baron ang willingness niya na makatrabahong muli ang Star for All Season.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat naman ni Luis ang dahilan kung bakit niya tinulungan si Baron noong minsang nagkaroon ng event sa Dolphy Theater. 

MAKI-BALITA: Luis sa pagtulong kay Baron: ‘I can sense the goodness in you’