Nag-viral sa social media ang video ng isang netizen kung saan makikitang bumigay ang ceiling ng isang mall sa Quezon City nitong Miyerkules, Marso 27.

Makikita sa Facebook post ng uploader na si Jem-Jem Ria Lopez ang pagbigay ng kisame dahil sa tila bigat ng tubig na tumatagas dito.

“Dadaan lang sana Ako haysss

Rainy season inside SM Fairview ,

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Buti walang tinamaan,” ani Lopez sa kaniyang post.

Habang isinusulat ito’y umabot na sa mahigit 2.2 million views at 17,000 shares ang naturang post ni Lopez.

Samantala, makalipas ang ilang oras nito ring Miyerkules ay muling nag-post ng video si Lopez kung saan makikita naman dito na naayos na ang naturang kisame ng mall.