Tuloy na tuloy na ang mainit na pagsasalpukan ng dalawang noontime show na “Eat Bulaga” at “It’s Showtime” sa darating na Abril.

Pero ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong Miyerkules, Marso 27, wala na raw dapat pang patunayan ang “Eat Bulaga” sa “It’s Showtime.”

“Wala nang dapat pang patunayan ang ‘Eat Bulaga’ at ‘Dabarkads.’ Ano pa ba? ‘Di ba? [...] Sila nga ang may hawak ng korona, e,” saad ng showbiz columnist sa kaniyang programang “Cristy Ferminute.” 

Hindi na rin daw uso sa panahong ito ang bardagulan at pasaringan ng maaanghang na salita sa noontime. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Alam mo ‘yong hindi masasatsat, ‘yong na wala na silang iniisip at wala na kasing dapat pang patunayan. ‘Yon ‘yong mga tahimik lang,” ani Cristy.

“Ang mahalaga, babantayan nila ang kanilang programa, paghuhusayan pa nila lalo para sa ikakatuwa ng ating manonood. ‘Yon naman talaga dapat, ‘di ba,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Hindi ‘yong kung ano-anong sasabihin, bardagulan dito, personalan dyan. Hindi na po uso ‘yan ngayon. Hindi na talaga.”

Matatandaang matapos ang pirmahan ng kontrata noong Miyerkules, Marso 20, ay naglabas ng joint statement ang ABS-CBN at GMA 7 kung kailan opisyal na mapapanood ang “It’s Showtime” sa bago nitong tahanan.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Unkabogable star Vice Ganda sa naturang TV network para sa pagtanggap nito sa kanila. 

MAKI-BALITA: Vice Ganda sa GMA Network: ‘Ang dali nilang kausap’