How true na dumadamoves na raw si Asia Multimedia Star Alden Richards kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo?

Sa latest Instagram post kasi ni Kapus actress Lovely Abella nitong Martes, Marso 26, isang netizen ang umintriga kina Alden at Kathryn.

Makikita sa naturang post ang larawan kung saan kasama rin nina  Alden, Kathryn, at Lovely sina Kakai Bautista at Maymay Entrata sa isang yate.

Nagmukha rin tuloy mini-reunion ng “Hello, Love, Goodbye” cast ang pagdiriwang ng 28th birthday ni Kathryn.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“My Ga namin!! Happy birthday we love you so much!! @bernardokath,” saad ni Lovely.

Pero isang netizen ang biglang humirit sa comment section: “parang dumadamoves na si Alden 😁”

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa kaniyang mga kapuwa netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sana nga😍😍😍”

“ahahaah hindi po cla hmmmmm 😂”

“Nakunakunakuhhh may mangga na naman”

“OA mo”

“SANA LANG HUHU PLS”

“Sisters sila @aldenrichards02 @bernardokath 😂 sabi ni kath hindi tau talo baka magaya lng sila kay carmina at Rustom😂.Sana sa susunod na jowa ni kath ung totoong lalaki kasi deserve niya.”

“Sanaa”

Matatandaang siniship ng mga netizen si Kathryn kay Alden matapos kumpirmahin ng una na hiwalay na ito sa ex-jowang si Daniel Padilla. 

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

In fact, lumutang pa nga ang balita na nanliligaw na umano si Alden kay Kathryn.

Pero sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Disyembre 2023, tahasang sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na fake news umano ang balitang tungkol dito.