May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Call me mangga!' MUPH 2026 Bea Windorski, dedma sa mga memang okray sa korte ng baba niya

'Call me mangga!' MUPH 2026 Bea Windorski, dedma sa mga memang okray sa korte ng baba niya
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda via MB File Photo

Nagbigay ng reaksiyon si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan Windorski sa mga pumipintas sa hugis at haba ng kaniyang baba, kaya nakatatanggap siya ng mga bansag kagaya ng "mangga."

Sa panayam kay Bea ni News5 showbiz news MJ Marfori, sinabi ni Bea na hindi na niya iniinda ang mga okray sa kaniya, at malaya pa nga ang bashers at detractors niya tawagin siyang mangga.

"People call me mangga because of my face shape, but mangoes are my favorite fruit, so go on, call me mangga," hirit ni Bea, sa programang "The Long Take."

Hindi raw siya bothered sa mga sita sa kaniya sa hugis ng kaniyang baba, na nauna na niyang nasabi sa isang media interview pagkatapos makoronahan bilang bagong MUPH 2026.

Inspired daw si Bea sa kasalukuyang Miss Universe 2025 na si Fatima Bosch dahil naipagpatuloy raw niya ang pagrereyna sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan sa pagkakapanalo ng korona at titulo.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"I'm inspired that she's able to continue her reign and stand up for herself despite all the criticisms because this journey has been really difficult for me," paliwanag ni Bea.

Aminado raw siyang natutuhan na niyang tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago sa kaniyang sarili, kagaya nga ng kaniyang chin.

"Things that I can't change about myself, ahm, some bullying about my physical appearance, but it comes with the territory, and she inspired me..." sundot pa ni Bea.

Hindi naman makapaniwala ang mga miyembro ng media sa sinabi ni Bea na nakaranas siya ng pambu-bully.

Nang tanungin kung saang banda siya na-bully, "My chin, but my chin is something I love cause it's the same chin as my mom, as my lola, and I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard," paliwanag niya.

Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng nanay niya.

Bagama’t kasalukuyang naninirahan sa Makati, ang La Union na nirerepresenta ni Bea ay probinsya ng kaniyang lola’t lolo.

Maki-Balita: Proud sa imperfections! Bea Windorski, na-bully dahil sa baba niya