Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang dalawang Cruz sa showbiz: sina Sunshine Cruz at Rayver Cruz, na masasabing isang "positibo" at isang medyo hindi ganoon ka-positibo.

Kay Sunshine, humanga ang mga netizen dahil tila "bampira" daw ang kagandahan nito dahil sa edad niya ay kaya pang rumampa at makipagsabayan sa much younger artists at models na kabilang sa Bench Fashion Week, kasama ang isa pang "bampira" na si Sabado Night Girl Ina Raymundo.

MAKI-BALITA: Top 10 hot mommas ng Philippine Showbiz

Knowing na halos dalaga na rin lahat ng mga junakis nila ng dating mister na si Cesar Montano, talagang na-maintain ni Sunshine ang magandang kurba ng katawan, magandang kutis, at magandang fez.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Si Rayver naman ay inulan ng kritisismo kamakailan matapos ang ipinakitang makulit na behavior habang nagsasagawa sila ng live ng girlfriend na si Julie Anne San Jose.

MAKI-BALITA: Rayver kinuyog dahil sa ‘kakulitan’ sa livestream kasama si Julie Anne

May mga nagsabi pa ngang parang "bangag" o "sabog" daw ang Kapuso actor-TV host kaya umaaktong tila strange, sita ng isang netizen. Bagay na pinalagan naman ni Julie Anne.

MAKI-BALITA: ‘Sabog, bangag?’ Julie Anne umalma sa below the belt na batikos kay Rayver

Humingi na rin ng dispensa si Rayver sa mga inasta niya. Ipinangako niyang mamahalin niya habambuhay si Julie Anne at mataas ang respeto niya sa kaniya at sa pamilya niya.

MAKI-BALITA: Rayver nag-sorry dahil kay Julie Anne, nangakong mamahalin forever

Pero alam mo bang ang dalawang ito, sina Sunshine at Rayver, ay minsan nang inintriga noong 2022? Isang netizen kasi ang "bida-bidang" nambintang kay Rayver na sinulot niya si Sunshine mula kay Buboy.

Minalisya ng naturang netizen ang Facebook post noon ni Sunshine, Hulyo 20, kasama si Rayver at ang rumored girlfriend pa nitong si Julie Anne (hindi pa sila umaamin noon at natsistika pa lang). Birthday message niya ito sa aktor, na kaniyang pinsan pala!

"A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.😍 Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray," ani Sunshine.

Sa isang litrato kung saan makikitang nakaakbay si Rayver kay Sunshine, nagkomento rito ang isang netizen

"Pa pogi ka inagaw.mo kay.idol.ko cesar montano,” sey ng netizen nitong Martes, Oktubre 18.

Cool na sagot ni Sunshine, "Pinsan ko po si Rayver. Haha. [laughing in tears emoji]”

MAKI-BALITA: Sunshine Cruz, sinalag ang bintang ng netizen na sinulot siya ni Rayver Cruz kay Cesar Montano

Samantala, dedma lamang si Rayver sa pinag-usapang pangmamalisya sa kanila ng isang netizen, sa pinsan niyang si Sunshine Cruz, na nag-ugat dahil sa isang larawan nila kung saan nakaakbay siya sa kaniyang “ate”.

MAKI-BALITA: Rayver, flinex si ‘Maria Clara’; anong sey sa malisya ng netizen sa kanila ng pinsang si Sunshine?

Magpinsan sina Sunshine at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz dahil magkapatid ang tatay ni Sunshine na si Danny Cruz at ang ina nina Rayver at Rodjun na si Beth Cruz, na namayapa na.

Kaya, sina Sunshine Cruz at Rayver Cruz ay magpinsan, kaya walang sulutang naganap.