Gaganahan kayang kumain ang mga bisita kapag nakita na ang disenyo ng cake na ito?

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang cake na may mga disenyong "poops" o dumi sa ibabaw nito, at take note, may mga "butil-butil" pa ng mais para mas realistiko!

Saad sa Facebook page ng "Dainty Cakes by Pia" na nakabase sa Bago City, Negros Occidental, ang nabanggit na cake ay ideya ng kaniyang customer na hindi na pinangalanan at hindi na rin tinukoy ang event kaya nagpa-bake nito.

"Yung cake na wala talagang titikim at mag sha-sharon 🤣🤢," mababasa sa caption.

Usapang Negosyo

CEO, na-depress matapos i-report sa FDA produkto nila

"Wala akong kasalanan dito, baker lang ako na sumusunod sa client 🤣 wahahahaaaa."

Dagdag pa niya, "Sabi ng hater ko, yung cake ko daw na ginagawa lahat parang 💩. Totoo nga 🤣🤣🤣"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Bat parang nasusuka ako knowing na its just a cake!"

"dapat may salu-saluyot o kaya malunggay haha."

"Kahit tumingin ayaw ko na."

"Parang bagay ito sa SnoRene haha, sina Poop at Ernalyn."

"Bakit ganun yung tae amoy cake hahaha."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Kirsten Pia Gicaro, ang baker nito mula sa Bago City, Negros Occidental, siya ay cakes and pastries shop owner sa loob ng apat na taon.

Aniya, request daw talaga ng liyente niya na lagyan ng disenyong dumi ang cake, pero ito ay edible naman ay puwede talagang kainin.

"Gusto po kasi ng client i-prank 'yong celebrant at para maging masaya at memorable po 'yong birthday," aniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 58k laugh reactions, 7.7k shares, at 4.2k comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!