Pinatutsadahan ng dating Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon ang mga magnanakaw umano sa gobyerno.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Marso 24, sinabi niya ang dapat umanong gawin ng mga kawatan sa pamahalaan sa paparating na Mahal na Araw. 

“Malapit na holyweek, magnilay nilay naman yung mga magnanakaw sa gobyerno jusko,” saad ni Guanzon.

Sabi pa niya sa isang hiwalay na post: “Sabay sabay nating hampasin ng palaspas ang mga tampalasan.”

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang kaniyang mga hirit. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Natutuwa talaga ako ni atty.at may natamaan din..”

“Mamhid na po ung iba kahit hagupitin pa ng buntot pagi.”

"ang mga politikong MAGNANAKAW ang dapat hampasin ng hampasin ng palaspas at baka sakaling tumino sila."

“Bakit nga ba ang haba ng buhay ng mga magnanakaw? Lol”

“Bakitvnga vha ganon ang nasa governo hirap na nga bansa pilipinas pinapahirapan pa pag nanakawan pa d man lng sila na consiya sa tao bayan bat ganon pera ng tao bayad pero governo nag pakasasa grabi bilib din ak sa pinas eh noh..”

“Dna po tinatablan Madam..🤣🤣”

“Maghuhugas lang nang kamay ang mga kawatan...after a week maglalagay na naman ng nga ghost employee🤣🤣🤣”

“Hindi mangungumpisal yang mga corrupt officials, nag blood compact sila, one for all , all for one walang bawian.”