Tinatayang nasa ₱166 milyon ang jackpot sa nakatakdang lotto draw ngayong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nasabing premyo ay para sa gaganaping bola ng 6/55 Grand Lotto, dakong 9:00 ng gabi.

Idinahilan ng PCSO, walang tumama sa jackpot na ₱158,629,540.40 sa nakaraang draw nitong Sabado ng gabi.

National

Bagyong Julian, halos 'di kumikilos habang nasa PH Sea sa east Batanes -- PAGASA

Sa datos ng PCSO, huling napanalunan ang 6/55 Grand Lotto nitong Enero 17 makaraang mahulaan ang 6 digits na number combination na 24-50-52-09-51-03. 

Nasa ₱698.8 milyon ang napanalunan ng nasabing mananaya, ayon pa sa PCSO.

Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.