Sinupla ni Kapamilya star Daniel Padilla ang isang fan na hinahanap sa kaniya si Outstanding Asia’s Star Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, tampok ang video clip kung saan maririnig ang tanong ng fan kay Daniel kung saan na raw si Kathryn.

“Mula sa background, maririnig na ‘nasa’n na si Kathryn?’ So, tinatanong si DJ. Ano ngang sinagot ni DJ?” saad ni showbiz insider Ogie Diaz.

“Ang sagot niya, ‘te, ‘sa’ng planeta ka ba nakatira?’” segunda ni Tita Jegs.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Nangangahulugan na parang ‘Hello, parang wala ka pang alam, ha. Parang ano? Lahat alam na ikaw na lang hindi pa?’“ paliwanag pa ni Ogie.

Kaya ang payo niya, magbasa-basa rin ng mga balita kahit paminsan-minsan.

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn