Tinatayang nasa ₱158 milyon ang jackpot sa nakatakdang draw ng 6/55 Grand Lotto ngayong Sabado, Marso 23.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), posibleng magbago pa ang nasabing premyo bago pa isasagawang bola nito sa dakong 9:00 ng gabi.

Binanggit ng PCSO, tumaas ang premyo nito nang hindi mahulaan ang winning combination na 33 51 42 20 47 46 sa nakaraang draw nitong Marso 20 kung saan mahigit sa ₱150.8 milyon ang alok na jackpot nito.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Sa rekord ng PCSO, huling napanalunan ang 6/55 Grand Lotto nitong Enero 17 matapos mahulaan ng mananaya ang number combination na 24-50-52-09-51-03. Nasa ₱698,806,269.20 ang naiuwi ng nasabing mananaya, ayon pa sa PCSO.

Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.