Nagbigay ng detalye si “Queen of Bangsamoro Pop” kaugnay sa bagong kantang ilalabas niya.

Sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Marso 21, sinabi niya kung tungkol saan at para kanino ang ginawa niyang kanta.

Ayon sa kaniya, marami raw nagmumungkahing magpapayat na siya na lalo na ngayong isa na raw siyang celebrity.

“Assalamu Alaikum po Guys! Ilalabas na po ang isa sa mga bago kong kanta soon‼️ Daming nagsasabi at nagmumungkahe na dapat daw magpapayat ako dahil celebrity na daw ako kaya dapat maganda ang body figure,” saad ni Shaira.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

“Sorry po, di po ako artista, Local Artist lamang po ako and i am proud to say na Sa Chubby mo makikita ang Ganda 😊” aniya.

Dagdag pa niya: “LAHAT NG CHUBBY O MATABA AROUND THE GLOBE MAG-INGAY ‼️ Good Vibes lang! 😊”

Matatandaang kamakailan lang ay nabalot ng kontrobersiya si Shaira matapos mapansin na tila katunog ng kanta niyang “Selos” ang “Trouble Is A Friend” ni Australian singer-songwriter Lenka.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

Pero sa kabila nito, sinabi niya sa pamamagitan ng isang social media post na okay na okay lang daw siya.

MAKI-BALITA: Shaira sa pagtanggal ng ‘Selos’: ‘Okay na okay po ako’

MAKI-BALITA: Alamin: Iba pang kanta ni Queen Shaira

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop